Tuesday, February 21, 2006
After 10 years...


at nagblog akong muli. Wala lang, nalulungkot lang ako sa hindi malamang dahilan. Ilang araw na akong ganito at wala namang makausap. (kawawang kawawa ang dating ano?)

Maaaring mayroon akong puwedeng lapitan at kausapin ngunit mahirap makahanap ng tamang tiyempo dahil na rin sa mga hindi inaasahang pangyayari. Maigi ng isipin ko muna ang kapakanan ng iba bago ang sarili ko. Hindi rin naman ako kaaya-ayang kausapin kung puro "ewan ko", "hindi ko alam" ang aking isasagot. Hayaan ko munang tuklasin ang nangyayari.

Gayun pa ma'y hindi pa rin maganda ang nararamdaman ko. Nais ko ng siya'y makausap ngunit papaano? kung hindi naman sinasagot ang telepono. Naisip kong itulog ko na lang ito at baka bukas ay mawala rin subalit paano naman akong makakatulog kung may iniisip ako? di ba't ang gulo ko? haaay... salamat sa blog at may mapaglalabasan ako ng saloobin pansamantala.

Siguro, gagawa na lang ulit ako ng bagong blog at palaging susulatan ulit. Naghihintay lang ng tamang tiyempo...







Oras na nagamit 03:16 pm

6 ang nangusap.

Saturday, June 25, 2005
May galak, may saya, may tuwa.


Ilang minuto na lang, ika-25 na ng Hunyo. Araw ng pagsakay sa lumilipad na eroplano. Muling mapapalapit sa langit. Pakiramdam na kay gaan at kay sarap, habang sa langit ay nakalutang. (Ha! parang multo. Hehe)

Oo, uuwi na ako bukas. Ako ay nagagalak. At sa mga maiiwan ko, sana hindi naman kayo malungkot. Sabi ko nga kay Pao, "ako lang naman ang uuwi eh." Sagot naman sakin, "ano ka ba!" Syempre hindi ko na lalahatin sapagkat marami pang kasunod. Pero ang comment ko roon ay, salamat dahil nararamdaman kong pinapahalagahan niyo ang ating pagkakaibigan. Kaya nga, wag ng malungkot. Masasanay rin kayo. Malay natin balang araw, si Direk may ipagawang pelikula at muling magtatagpo ang ating landas. =)

Kanina (balik sa nakaraan), nagpunta akong eskwela kasama si Pao at Drey. Sinahaman nila akong tignan ang resulta na nakapaskil sa board na matatagpuan sa gitna ng eskwelahan namin. 4h45 daw ilalagay ang resulta, pero inabot na kami ng lagpas 5 nung inilabas ang board kung saan ito nakapaskil.

Ito ang nakalagay sa papel ng klase namin...


ang resulta

Tabingi ang pagkakakuha dahil nanginginig pa ang kamay ko sa sobrang galak ng nakita ko ang pangalan ko diyan. Mabasa-basa pa nga yung papel dahil sa mga champagne na nag-si-bukasan at pinambasa sa lahat ng mga nakapasa. Sa labing dalawang estudyante sa klase ko, siyam lang kaming nakapasa. Haaaay. Sa wakas! pasado ako at matatanggap ko na ang aking diploma! Graduate na rin ako at tapos na mag-college! Ang saya ng buhay. Tanong nga nila kung ano daw ang pakiramdam ng isang graduate, hindi ko masagot ng maayos, pero nakikita sa mukha. Saktong sakto bukas, sa pag-uwi ko.

Ito na rin siguro ang magiging huling entry ko sa ngayon. Medyo matagal-tagal rin akong hindi na makakapag-update sapagkat wala naman kaming computer sa Pinas. Nakakatamad naman mag-internet cafe para lang mag-blog diba? Paminsan minsan siguro, ngunit hindi na ganoon kadalas.

Hindi pa naman dito nagtatapos ang lahat. Pero sa ngayon, ako ay magsasaya. ü



Oras na nagamit 12:10 am

3 ang nangusap.

Monday, June 20, 2005
Realisations


1. Nakakainis kapag ang dami mo ng naisulat, eh bigla na lang mawawala at magsisimula ka na naman ng panibagong isusulat at syempre gagamitin mo ang natatanging utak na ibinigay sayo para maisulat muli ang mga naisulat mo na, na bigla na lang nabura dahil sa iyong daliring may pagka-shonga.

2. Matagal-tagal na rin pala akong hindi nakakapagsulat ng matino.

3. I'll miss blogging. Though I could still write, sa papel na nga lang.

4. In less than a week, I'll be coming back home (Pinas) and my being a "computer addict" days will be over! No more late night chats with friends through YM, no more net surfing, no more blog hoppings. Sad.

5. Maiiwan ko na rin pala ang mga kaibigan ko dito. Pero makakasama ko naman ang mga kaibigan ko doon. At syempre hindi lang ang mga kaibigan... =)

6. Tapos na ang lahat ng exams and all I need to do is wait. Wait until they put all the names of those students who passed including me. (assuming na ito!)

7. Nagkakaroon ako unti-unti ng sipon dahil sa electric fan na nakatutok sa aking ulo sa tuwing ako'y natutulog, kaya dapat itong patayin bago pa lumala ang karamdaman.

8. I envy guys especially when summer's on. The fact that they could just take their shirts off whenever they'd feel some hotness?! going through their veins. (na-gets naman yung gusto kong iparating diba? hehe) Pwede nga rin kung babae ka, kung pangarap mong maging bold star.

9. Halos lahat ng bagay saken may sentimental value. Ultimo yung papel na may nakasulat na script na ginawa namin para sa English class ko nung grade 5 pa ako ay nakatago pa rin sa akin. Pati ang isang 1/4 paper na may pangalan ng mga ka-grupo ko sa play. Hanggang sa isang bulaklak na gawa sa papel (yung silver o gold na papel na makikita sa kaha ng sigarilyo).

10. Ang pangit pala kapag nagsusulat ako sa ingles, hindi ko feel, parang hindi ako. O siguro hindi lang ako sanay. Practice lang ang katapat neto.

11. I think I have a short-term memory lost.

12. Pag-uwi ko, ang nanay at tatay ko na lang pala ang magsasama dito sa bahay. Sana hindi sila malungkot dahil wala na silang kukuliting isang tahimik na bata. (Oo ako yun noh!)

13. 40GB lang ang hard disk ko, kaya hindi ko mapupuno ang aking Ipod ng mga kanta dahil baka mapuno ang hard disk ko. Sayang.

14. I really need a laptop.

15. Maganda talaga ang papalubog na araw na may kasabay na malamig na simoy ng hangin.

16. Hindi na pala ako makakapaglaba sa automatic naming washing machine. At kailangan ko na talagang matutong magluto ng iba pang putahe.

17. Nonsense na ba ako? Pero sober miss ko na siya at malapit na rin kaming magkita.

18. Eighteen na pala ako.



Oras na nagamit 11:55 pm

4 ang nangusap.

Monday, June 20, 2005
Sa wakas!


Ito na ang huling araw ng pag-aaral ko (sa bansang ito).

Tapos na ang mga pagsusulit.

Tapos na ang pag gising ng maaga.

Sa wakas, bakasyon na!

Hihintayin na lang ang mga resulta.

Malapit na!



Oras na nagamit 11:47 am

5 ang nangusap.

Saturday, June 18, 2005
Surpresa


Tama bang pilitin ako, para lang magpasama sa tita ng kaibigan ko sa mga natitirang araw na kailangan ko pang mag-aral, at ang huling kinakailangan ko ay ang isang paglabas ng bahay?

Tama bang yayain naman ako ng aking inay na mamili ng tsokolate ngayong sabado, na ang plano ko ay sa lunes na lang pagkatapos ng lahat ng exams?

Napapayag naman ako, dahil sa isip-isip ko, hindi lahat ako ang gagastos. Hehe.

Pero, tama rin bang pilitin akong isama doon sa opis daw ni inay para lang mag-xerox ng kung anong mga papel papel niya? at isama pa doon sa pupuntahan nila?

--------------------

Pagbaba ko ng kotse, medyo naiinip na ako, gusto ko na kasing umuwi at ang dami pa nilang dinaanan. Nagpunta kami sa isang park. Nandoon raw kasi yung pupuntahan nila, sumama na rin daw ako dahil saglit lang naman iyon. Edi ako, sige sunod naman.

Habang naglalakad, narinig kong tinatawag ang pangalan ko. Si Camille pala at Diane. Nagulat naman ako at nagtaka kung bakit sila nandoon. Ang akala ko, kakilala lang din nila yung pupuntahan ng aking inay at itay.

Papalapit na kami sa kanila, nakita kong wala namang ibang tao, puro mga kaibigan ko lang at nag-iihaw pa?! Wala pa rin akong naintindihan. Haha. Sinurpresa pala nila ako. Isang pa-despedida bago ako umalis patungong Pilipinas at mawala ng anim na buwan.

Ang akala nila, hindi ako masaya. Masaya ako noh! Kung hindi niyo nga lang nahalata, pasensya na. Mixed emotions eh! Haha (Baka si Pao maintindihan toh!)

Masaya ako. Pero mamimiss ko kayo. Peksman!



Oras na nagamit 11:14 pm

15 ang nangusap.

Thursday, June 16, 2005
Malapit na...


Malapit na matapos ang paghihirap ko.

Dalawang pagsusulit na lang at akoooooo'y....

wala lang.

Sana lahat pasado.

Yan ang dahilan kung bakit hindi na ako nakakapag-update dito.

At mayroon pang susunod na dahilan kung bakit hindi na ako makakapag-update dito.

Malapit na malapit na...



Oras na nagamit 03:16 pm

1 ang nangusap.

Tuesday, May 31, 2005
Sa pag-ikot ng kamay ng oras


Hindi maglalaon, muling magkakaroon ng kulay ang buhay.

Muling mamamayagpag ang kasiyahan.

Mga ngiti'y muling masisilayan.

At mga pangarap na masasakatuparan.




Oras na nagamit 04:13 pm

9 ang nangusap.

Next Page
Ang may kagagawan

Isang babaeng legal na ang edad. Dalawa ang mga kapatid at siya ang bunso. Naninirahan sa lugar na kung saan maraming tyokolate at may hindi kaaya-ayang amoy ng keso. Ang kursong tinatapos nito ay Komersiyo. Mayroong apat na linguwaheng nalalaman. Kabilang dito ay ang tagalog, ingles, pranse at aliman Ninanais rin matuto ng nihongo at iba pang linguwaheng asiano (may balak atang maging taga saling wika). Nangangarap maging bokalista sa isang banda kaya naman kinakarir ang pagiging kantatera. Nahihilig sa pagsusulat, matino man o hindi.

Para sa kanya, masarap mag-inuman lalo na't kasama ang mga kadugo, kabatak, kabarkada at kaibigan. Masarap ang pakiramdam sa tuwing siya'y nag-iisa ngunit mas masarap kung ang minamahal ay kasama. Masarap magswimming sa beach kapag ang dagat ay hindi maalon. Masarap tumingala sa langit at pagmasdan ang palubog na araw at ang paglitaw ng buwan. At lalong masarap kapag ang ulan ay bumubuhos lalo na't walang pasok.
Sa paglipas ng panahon
Ilabas ang saloobin
   
Nilalaman ng isipan

LSS mula ika-17 ng Hunyo

Ewan ko - Soapdish

(chorus muna)
napapalingon tuwing ika'y dumadaan / napapangiti hindi ko alam ang dahilan / alam kong di pu-pwedeng maging tayo / pero minsan nag-iiba ang ikot ng, ang ikot ng mundo
Mga ka-ugnayan
At iba pa
If you want to be updated on this weblog Enter your email here:
Blogdrive